Wednesday, May 14, 2014

Contentment 101


Con-tent-ment : the state of being happy and satisfied
                         : the state of being content

Sa tagal ng inilagi mo dito sa mundo, nakuntento ka na ba?
Nakapagpasalamat ka na ba sa lahat ng meron ka?
Napahalagahan mo na ba yung mga bagay na nasa iyo na?
malamang hindi pa ...

Hindi tayo nakukuntento sa kung anong mayroon tayo kasi naka focus tayo sa mga bagay na wala sa atin. Halimbawa nalang may cellphone ka kaso 3310 lang, yung kakilala mo may iphone 5s. Maiinggit ka na nyan, wag mo sabihing hindi. Osige hindi na inggit, nagnanais na lang. Pero halos pareho lang yun. Hindi ka pa makuntento sa 3310 eh sa ayun lang ang kaya mo buti nga ikaw may cellphone yung iba nga wala.
Nagka'ipad mini kaklase mo, gusto mo ikaw mayroon din.
Nagpa'rebond kaibigan mo, gusto ikaw magpapa rebond din.
Nag Starbucks tropa mo, gusto mo ikaw din (pwede naman mag instant coffee nalang).
Kapag mainit gusto malamig, kapag malamig naman nagrereklamo pa din.
Nagka syota kabarkada mo, gusto mo ikaw din.... baka naman kapag nabuntis o nakabuntis yung kaibigan mo gusto ikaw din?

Kidding aside.....

Nature na kasi ng tao yan eh, yung hindi marunong makuntento. Laging may kulang, laging may hinahanap sa lahat ng aspeto ng buhay. Sa lagay ng panahon, sa lovelife, sa gadgets at sa kung anu-ano pa.
Dahil sa ugali nating ganito, nakakaligtaan  natin na bigyan ng pagpapahalaga yung mga bagay na meron tayo o yung mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa atin. Kasi nasanay na tayo sa isiping andyan naman sila, mahal naman tayo nyan kaya di tayo iiwan nyan. Pero nakalimutan mo na ba na napapagod din ang tao lalo na kung nababalewala lang din naman sya. Kahit gaano ka pa kaimportante sa kanya o kahit gaano ka pa niya kamahal kung lagi mo naman siyang binabalewala darating sa point na mapapagod din sya kasi lahat ng effort niya nasasayang lang, para lang syan nagwalis ng nakabukas ang electric fan, lahat ng effort nya napupunta lang sa wala.

Lagi kasi tayo'ng nakatingin sa mayroon ang iba kaya di natin napapansin yung mayroon tayo. Dyan na pumapasok ang inggit, ipokrito ka kung sasabihin mong hindi ka marunong mainggit.
May girlfriend/boyfriend/asawa ka na, nakakita ka lang ng gwapo o maganda lilingunin mo pa ng bongga at ang masaklap pa kasama mo yung karelasyon mo. Respeto naman dyan, di naman masamang iappreciate ang katangian ng ibang tao basta ilagay mo sa tamang lugar.

Aba eh matuto ka naman makuntento.

Kaya madalas kapag di mo napahalagahan yung nagpapahalaga sayo syempre mapapagod yun, tendency nun? Iiwan ka, kapag iniwan ka mag-sisisi ka, mang-hihinayang ka tas sasabihin mo SAYANG! tsss. Tao nga naman.

No comments:

Post a Comment